Pakikipag-ugnayan sa isang Ahensiya ng Empleyo
Pakikipag-ugnayan sa isang Ahensiya ng Empleyo

Hindi kinakailangan ng Pamahalaan ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong na ang mga employer ay dapat na kumuha ng mga FDH sa pamamagitan ng, o mga FDH upang kumuha ng empleyo mula sa, mga ahensiya ng empleyo (mga EA). Ngunit, karaniwan itong pamamaraan kung saan ang mga tao ng Hong Kong ay nag-eempleyo ng mga FDH.

Ang mga kanya-kanyang tahanang-bansa ng mga FDH ay maaari ring may ganoong pangangailangan at sila ay nagbabago sa lahat ng mga bansa. Ang mga FDH at mga employer ay hinihimok na basahin ang impormasyon ng seksiyong ito kapag gumagamit ng serbisyo ng mga EA.

Mga tala para sa mga employer

Kinakailangan ng Paglilisensiya

Sa ilalim ng mga batas ng Hong Kong, lahat ng mga EA ay kinakailangan na mag-apply para sa mga lisensiya mula sa Pangasiwaan ng mga Ahensiya ng Empleyo (EAA) bago magsagawa ng negosyo na job placement.

Bago gumamit ng serbisyo ng isang EA, dapat tingnan muna ng mga employer kung pinanghahawakan niya ang isang may bisang lisensiya. Maaaari ninyong gamitin ang makina sa paghahanap na ibinigay sa website na ito para sa pagkilala ng (mga) EA na may bisang lisensiya sa Hong Kong. Mangyaring makipag-ugnayan sa EAA kung mayroon kayong anumang mga tanong.

Kung pinaghihinalaaan ninyo ang isang EA ay tumatakbo nang walang may bisang lisensiya, mangyaring iulat ito sa EAA. Sinumang tao na nagpapatakbo ng isang EA nang walang lisensiya o sertipiko ng di-pagkakasama sa pagpataw na inisyu ng Komisyoner para sa Paggawa ay dapat managot sa pagkakasala at patawan sa pinakamataas na parusa ng $350,000 at pagkakabilanggo ng tatlong taon.


Mga tala para sa mga employer


Mga tala para sa mga employer

Maliban pa sa paninigurado na ang EA ay mayroong may bisang lisensiya, kayo rin ay hinihimok na tingnan ang reputasyon ng EA, mula sa mga website, mga grupo ng talakayan, o bukambibig ng inyong mga kaibigan at kamag-anak.

Upang protektahan ang inyong mga interes, kayo ay pinapayuhan na klaruhin at sumang-ayon sa EA ang mga detalye ng serbisyo, kasama ang saklaw, mga bayarin, petsa ng pag-ulat sa trabaho ng FDH, o patakaran sa pagpapalit atbp, bago gumawa ng anumang kabayaran. Ang sinang-ayunang mga tuntunin ay dapat nakasulat sa isang kasunduan ng serbisyo na nilagdaan ng kapwa mga panig. Kung nabigong tuparin ng EA ang sinang-ayunang mga tuntunin, o pinaghihinalaang sumasalungat sa Ordinansa ng Paglalarawan ng Kalakal, dapat kayong humingi ng tulong mula sa Konsehal ng Mamimili sa Kagawaran ng Adwana at Kinakaltas na Buwis.


Mga tala para sa mga naghahanap ng trabaho

Ayon sa batas, ang mga EA ay hindi maaaring sumingil sa inyo ng anumang mga bayarin o gastusin, maging ito ay tuwiran o hindi tuwiran, na may kaugnayan sa paglalagay ng trabaho maliban sa iniutos na komisyon (na kasalukuyang nakatakda sa 10% ng inyong sahod sa unang buwan pagkatapos ng matagumpay na paglalagay ng trabaho). Upang protektahan ang inyong mga sarili, dapat kumuha kayo ng resibo mula sa mga EA pagkatapos ninyong magbayad ng komisyon. Sinumang naghahanap ng trabaho na pinaghihinalaang lumabis sa pagsingil ang isang EA ay dapat mag-ulat sa EAA sa lalong madaling panahon hangga’t maaari.


Alituntunin o Kodigo ng Kasanayan ng mga Ahensya ng Empleyo(EA)

(makkaha lamang sa Tsino / Ingles)

Alituntunin o Kodigo ng Kasanayan ng mga Ahensya ng Empleyo(EA)

Mga Inilabas na Pahayag ng mga EA

(Tsino/Ingles lamang)


Makipag-ugnayan sa EAA

Sa pagkatanggap ng reklamo laban sa isang EA na pinaghihinalaang sumasalungat sa Ordinansa ng Empleyo at/o mga Alintuntunin ng Ahensiya ng Empleyo, kaagad na titingnan ito ng EAA. Maaari nitong lapitan ang nagrereklamo para sa isang panayam upang kumuha ng karagdagang mga detalye sa panahon ng proseso ng imbestigasyon; o kapag pinagpasyahan na ang paglilitis ay isasampa laban sa isang EA para sa kanyang pinaghihinalaang paglabag sa batas, maaaring imbitahan ng EAA ang nagrereklamo upang kumilos bilang saksi ng tagausig tulad ng at kapag kinakailangan.

Maaari ninyong punan ang sumusunod na online form upang makapagsampa ng isang sumbong laban sa mga EAs para sa hinihinalang paglabag sa batas o hindi pagtupad sa Koda ng Alituntunin o Kodigo ng Kasanayan ng mga Ahensya ng Empleyo.