Ang portal na ito ay nagbibigay ng impormasyong may kaugnayan sa pag-empleyo ng mga dayuhang kasambahay (FDHs) sa Hong Kong, kasama ang patakaran sa pag-angkat ng mga FDHs, paglathala at mga materyal sa pamamahayag hinggil sa mga karapatan at katungkulan ng mga FDHs at kanilang mga amo sa ilalim ng mga batas ng paggawa at ang Pamantayang Kontrata ng Empleyo para sa pagtanggap sa trabaho ng mga FDHs. Kapwa ang mga FDHs at kanilang mga amo ay hinihimok na basahin ang impormasyon sa website na ito pati na ang mga nararapat na lathalain bago pumasok sa isang kontrata, o sa panahon ng pagdaan ng empleyo.
Bagamat hindi kinakailangan ng Pamahalaan ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong na ang mga amo ay dapat na kumuha ng mga FDHs sa pamamagitan ng, o mga FDHs upang kumuha ng empleyo mula sa, mga ahensya ng empleyo (EAs), karaniwan itong pamamaraan kung saan ang mga tao ng Hong Kong ay nag-eempleyo ng mga FDHs. Ang mga kanya-kanyang tahanangbansa ng mga FDHs ay maaari ring may ganoong pangangailangan at sila ay nagbabago sa lahat ng mga bansa. Ang mga FDHs at mga amo ay hinihimok din na basahin ang seksyon ng “Pakikipag-ugnayan sa isang ahensya ng empleyo” para sa mga punto na dapat tandaan kapag gumagamit ng serbisyo ng mga EAs, at upang gamitin ang makina ng paghahanap para sa pagkilala sa (mga) EA na may bisang lisensya sa Hong Kong.
Para sa mga usaping may kaugnayan sa pamantayan ng pagiging kuwalipikado at mga pamamaraan para sa pag-aplay para sa empleyo ng mga FDHs, mangyaring bisitahin ang website ng Kagawaran ng Imigrasyon.
Ang Pamahalaan ay nagbigay ng pahintulot sa mga dayuhang kasambahay ( FDHs) na makapagtrabaho sa Hong Kong simula pa noong 1970s upang tugunan ang kakulangan sa lokal na mga kasambahay na naninilbihan at nakatira sa tahanan na hindi orasan. Ang kaayusan ay naaayon sa pundamental na prinsipyo ng patakaran sa paggawa ng Pamahalaaan na ang mga lokal na manggagawa ay may prayoridad sa pag-empleyo. Makakakuha lamang ang mga amo ng mga trabahador na galing sa ibang bansa kung hindi sila makahanap ng angkop na lokal na mga manggagawa sa Hong Kong.
Inatasan ng Pamahalaan ang Standard Employment Contract (SEC) (form ID 407) upang maprotektahan ang interes ng FDHs at kanilang mga employer. Kung nais ninyong makakuha ng "Kontrata ng Empleyo para sa Isang Kasambahay na Nirekrut mula sa Labas ng Hong Kong" (ID 407), mangyaring ipadala ang inyong tirahan at contact number sa pamamagitan ng email sa enquiry@immd.gov.hk o sa pamamagitan ng koreo sa Information and Liaison Section, Upper Ground Floor, Administration Tower, Immigration Headquarters, 61 Po Yap Road, Tseung Kwan O, New Territories.
Karagdagan sa proteksyon na iniaalok ng mga batas ng paggawa, ang mga FDHs ay nagtatamasa ng karagdagang proteksyon, tulad ng libreng tirahan, libreng pagkain, at medikal na pangangalaga na sinasagot ng mga amo, na itinakda sa SEC. Ang mga FDHs at kanilang amo ay makakagamit ng libreng serbisyo sa konsultasyon at pakikipagkasundo na inilalaan ng Kagawaran ng Paggawa (pumindot dito para sa mga lugar at mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng dibisyon ng relasyon sa paggawa ng Kagawaran ng Paggawa) kung meron alitan. Kung walang kasunduan na magaganap sa pamamagitan ng pakikipagkasundo, ang mga kaso ay isasangguni sa Hukuman ng Paggawa o sa Lupon ng Paghatol sa mga Maliliit na Paghahabol sa Empleyo para sa paghatol.
Upang protektahan ang mga amo pati ang mga oportunidad sa trabaho ng mga lokal na manggagawa, ang mga FDHs ay hindi pinahihintulutang kumuha ng anumang ibang empleyo kasama ang trabahong orasan, o magtrabaho sa ibang lugar maliban sa tirahan ng kanilang amo na nakasaad sa nilagdaang kontrata.
Upang magbigay ng madaling sanggunian sa mga karapatan at katungkulan ng mga amo at FDH, ang Kagawaran ng Paggawa ay nag-isyu ng isang "Praktikong Gabay Para sa Pagtratrabaho ng mga Kasambahay – Ano ang Kailangang malaman ng mga Dayuhang Kasambahay at nang Kanilang mga Amo", na sumasaklaw sa mga sagot sa ilang mga karaniwang katanugan ng mga FDHs at kanilang mga amo. Mangyaring tignan ang seksyon na “Mga Materyal sa Pamamahayag at Kaugnay na Lathalain” para sa karagdagan materyal na nauugnay sa karapatan at obligasyon ng FDHs at mga amo sa ilalim ng batas ng paggawa at SEC.
Para sa mga karaniwang katanugan hinggil sa mga karapatan na nasa kontrata at batas ng mga FDHs, mangyaring pumindot dito.
Kaugnay na link: Pagkuha ng mga Dayuhang Kasambahay
Ang MAW ay ang proteksyon sa sahod na iniaalok sa mga FDHs. Dapat bayaran ng mga amo ang mga FDHs ng suweldo na hindi bababa sa namamayaning MAW sa oras ng paglagda ng kontrata. Pinangangalagaan nito ang mga FDHs laban sa pagsasamantala sa isang banda, at pinoprotektahan ang mga lokal na manggagawa mula sa murang kakumpetensiya sa labas ng bansa sa kabilang banda. Rerepasuhin ang MAW sa tuwi-tuwina ng Pamahalaan ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong, na may pagsaalang-alang sa pangkalahatang sitwasyong pang-ekonomiko at empleyo sa Hong Kong.
Ang namamayaning MAW para sa mga FDHs ay $4,990 kada buwan, na mailalapat sa mga kontrata ng empleyo na nilagdaan noong o pagkatapos ng ika-Setyembre 28, 2024. Ang nakaraang MAW ay $4,870, na naaangkop sa mga kontratang nilagdaan sa pagitan ng Setyembre 30, 2023 hanggang Setyembre 27, 2024.
Ang Kagawaran ng Paggawa ay lubos na nag-aalala tungkol sa kaligtasan ng mga Dayuhang Kasambahay sa paglilinis ng mga panlabas na bintana
Ang Kagawaran ng Paggawa (LD) ay lubos na nag-aalala tungkol sa nakasawing aksidente na nangyari kamakailan noong ang isang dayuhang kasambahay (FDH) ay naglilinis ng isang panlabas na bintana. Ang LD ay nagpapaalala sa mga tagapag-empleyo na ang dalawang sumusunod na kondisyon ay kinakailangan matupad bago ang pag-utos sa isang FDH na maglinis ng anumang panlabas na bintana na hindi matatagpuan sa unang palapag o katabi ng isang balkonahe (kung saan ito ay makatwirang ligtas para magtrabaho ang kasambahay) o pangkaraniwang pasilyo:
1. Ang bintana na nililinis ay nilagyan ng isang rehas na nakakandado o ligtas sa isang paraan para mabuksan ang rehas; at
2. Walang bahagi ng katawan ng FDH na umaabot sa lampas ng pasimano ng bintana maliban sa mga braso.
Ang pangangailangan na nakasalaysay sa itaas ay malinaw na nakasaad sa Pamantayang Kontrata ng Empleyo para sa mga FDHs na dapat sundin ng mga tagapag-empleyo at mga FDHs. Kapag ang tagapag-empleyo ay nag-utos sa FDH na maglinis ng mga panlabas na bintana na lumalabag sa kontrata, ang FDH ay dapat tanggihan ang ganyang kahilingan. Ang mga FDHs ay maaaring humingi ng tulong sa LD sa pamamagitan ng dedikadong numero para sa mga FDH sa 2157 9537.
Ang LD ay umapela sa miyembro ng publiko na nakasaksi ng FDH na gumaganap ng mga tungkulin sa isang hindi ligtas na sitwasyon (halimbawa: nagtatrabaho o nakatayo sa kataasan na walang ligtas na suporta) o nasa harap ng agarang panganib na iulat ang pangyayari kaagad sa Kapulisya.
Pagtaas ng Statutory Holidays
Simula sa 2024, ang unang karaniwang araw pagkatapos ng araw ng Pasko ay isang bagong idinagdag na statutory holiday sa ilalim ng Employment Ordinance. Para sa mga detalye, pakibisita ang: https://www.labour.gov.hk/eng/news/EAO2021.htm