Panulukan ng mga Dayuhang Kasambahay
Panulukan ng mga Dayuhang Kasambahay

Talaorasan ng mga impormasyon Kiosks – October 2024

Date
Venue
Target
Linggo, 20 October 2024
Central and Western District Promenade (Central Section)
Indonesian and Filipino helpers


Lai Chi Kok Park
Lai Chi Kok Park
Victoria Park
Victoria Park
Victoria Park
Victoria Park

Victoria Park
Victoria Park
Carpenter Park
Carpenter Park
Statue Square Gardens
Statue Square Gardens

 

Mga bagay na dapat ninyong malaman habang nagtatrabaho sa Hong Kong

Inyong mga karapatan sa paggawa

  • Kayo ay may karapatan sa hindi bababa sa 1 araw ng pahinga sa bawat yugto ng 7 araw, mga piyesta ayon sa batas at binayarang taunang bakasyon.Hindi maaaring pilitin kayo ng mga employer na magtrabaho sa panahon ng inyong araw ng pahinga at mga piyesta ayon sa batas o gumawa ng anumang anyo ng kabayaran sa inyo sa halip na gawaran ng piyesta ayon sa batas.

  • Ang inyong mga sahod ay dapat bayaran nang buo ayon sa halaga na tinukoy sa inyong kontrata (na hindi dapat bababa sa namamayaning Pinakamababang Pinahihintulutang Sahod), at hindi lalampas ng 7 araw pagkatapos ng katapusan ng yugto ng sahod.

  • Kayo ay bibigyan ng libreng pagkain, o sa pagpipilian ng inyong employer, sustento sa pagkain in lieu during the employment period.

  • Dapat kayong magtrabaho at manirahan sa tirahan ng inyong employer tulad ng tinukoy sa kontrata sa panahon ng kabuuan ng yugto ng empleyo. Ang inyong employer ay dapat magbigay sa inyo ng libreng tutuluyan na may makatwirang pagkapribado.

  • Ang inyong employer ay magbibigay sa inyo ng tiket sa eroplano para sa pagbiyahe mula sa inyong lugar ng tirahan hanggang sa Hong Kong bago ang pagsisimula ng kontrata; at sa pagtatapos/pagwawakas ng kontrata, kayo ay bibigyan ng pauwing pasahe sa inyong lugar ng tirahan.

  • Kayo ay bibigyan ng libreng pagpapagamot sa panahon ng inyong empleyo sa Hong Kong nawalang kinalaman kung ang pagkakasakit ay sumulpot mula/sa panahon ng inyong pagganap ng inyong mga tungkulin.

Mga Karaniwang Tanong

Maging Handa para sa Trabaho sa Hong Kong - Isang Handbuk para sa Mga Dayuhang Kasambahay

Mga infographics tungkol sa Empleyo ng mga Dayuhang Katulong sa Bahay
Inyong mga karapatan sa paggawa


Mga ahensiya ng empleyo

  • Hindi kinakailangan ng Pamahalaan ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong na ang mga dayuhang kasambahay ay dapat makakuha ng trabaho mula sa mga ahensiya ng empleyo (EA). Ngunit, ang inyong kanya-kanyang (mga) pamahalaaan ay maaaring may gayong mga pangangailangan. Mangyaring konsultahin ang mga kinatawan ng Konsulado sa Hong Kong ng inyong pamahalaan kung mayroon kayong anumang mga tanong.

  • Ayon sa batas, sinuman ang nagnanais na magbigay ng mga serbisyong job placement ay dapat kumuha ng lisensiya mula sa Kagawaran ng Paggawa. Dapat ninyong tingnan kung nagmamay-ari ang EA ng isang may bisang lisensiya bago gamitin ang serbisyo nito. Maaari ninyo itong tingnan online sa pamamagitan ng pagpindot dito (Tsino / Ingles lamang).

  • Ang inyong EA ay pinagbabawalan na singilin kayo ng anumang mga bayarin o gastusin namay kaugnayan sa job placement maliban sa iniutos na komisyon (na kasalukuyang nakatakda sa 10% ng inyong sahod sa unang buwan pagkatapos ng matagumpay na paglalagay ng trabaho). Upang protektahan ang inyong mga sarili, dapat kumuha kayo ng resibo mula sa mga EA pagkatapos ninyong magbayad ng komisyon.

  • Kung pinaghihinalaan ninyong kayo ay labis na siningil ng isang EA, dapat ninyo itong iulat sa EAA sa lalong madaling panahon hangga’t maaari.

  • Alituntunin o Kodigo ng Kasanayan ng mga Ahensya ng Empleyo(EA) (makkaha lamang sa Tsino / Ingles)


Protektahan ang inyong sarili

  • Walang sinuman (kasama ang inyong employer o inyong EA) ang maaaring pumilit sa inyo na isuko ang inyong mga personal na dokumento ng pagkakakilanlan (hal. card ng pagkakakilanlan sa Hong Kong, pasaporte atbp.), mga ari-arian (hal. ATM card ng Bangko) o mga lathalain/dokumento tungkol sa inyong mga karapatan atbp.

  • Dapat huwag kayong lumagda ng anumang dokumento o kontrata, na hindi ninyo nauunawaan ang kanyang nilalaman o kayo ay hindi sumasang-ayon.

  • Hindi dapat humiling sa inyo ang inyong EA na kumuha ng mga utang para sa pagbabayad ng mga bayarin sa ahensiya o bayarin sa pagsasanay.

  • Dapat kayong hindi sumang-ayon sa mga kahilingan ng inyong employer o EA na magbigay ng anumang maling impormasyon (hal. ang inyong mga sahod, ang tirahan ng inyong empleyo) sa inyong kontrata. Maaaring managot kayo sa isang pagkakasala sa paggawa nito.
Protektahan ang inyong sarili


Saan hihingi ng tulong?

  • Kung kayo ay pisikal na inabuso, dapat kayong tumawag sa Pulisya sa telepono bilang “999”.

  • Kung ang inyong mga sahod ay hindi binayaran nang buo at wala sa oras, hindi ginawaran ng mga araw ng pahinga at piyesta, o naghihinala na anuman sa inyong mga karapatan sa paggawa ay nilalabag, dapat kayong dumulog sa Kagawaran ng Paggawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga pamamaraan

  • Para sa pagtulong sa karahasang sekswal, karahasang pantahanan at/o ibang krisis pampamilya, mangyaring tumawag sa 24 oras na hotline ng CEASE Crisis Centre ng Tung Wah Group of Hospitals sa 18281. Paki-klik dito para sa mga iba pang impormasyon.

  • Para sa tulong sa hindi planadong pagdadalang-tao, mangyaring tumawag sa Hotline ng Kagawaran ng kapakanang Panlipunan sa 2343 2255. Paki-klik dito para sa mga iba pang impormasyon.

  • Makipag-ugnayan sa Konsulado-Heneral ng inyong pamahalaan sa Hong Kong (Nakaayos sa ayon sa pagkakasunod sa bersyon sa Ingles)


Espesyal na mga pangangailangan sa wika

  • Ang serbisyo sa pagsasalin ay isasaayos nang libre kung saan kinakailangan upang tiyakin na ang inyong pag-abot sa aming serbisyo ay hindi hinahadlangan dahilan sa mga sagabal na pangwika. Kung nais ninyo, maaari kayong magdala ng inyong sariling mga tagasalin kapag kayo ay humihiling ng libreng serbisyo ng pakikipagkasundo o magsasampa ng reklamo sa Kagawaran ng Paggawa.